Welcome to Pinoy Rap Radio Forum 2.0
Saludo By QUEST

  • image


    Ito ang alay ko, ito ang istorya mo
    Alamat na kailangan makilala ng buong mundo
    Isang pagpupugay, kailangan ipagdiwang
    Pasasalamat at ika'y isinilang
    Di pangkaraniwang para syang superhero
    Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro
    Meron syang misyon kaya walang takot sumabak
    Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap
    Parang pelikula, action, adventure, drama
    May konting comedy, love story na pang masa
    Galing sa wala akala mo talo na tapos, yun pala sya yung bida kaya lahat sila paos
    Kasisigaw, kahihiyaw selebrasyon
    Buong mundo magtataka, kakaibang okasyon
    Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (hoy)
    Ito ang araw mo, bayaning pinoy

    Chorus:

    SALUDO
    SA MGA BIDA NA TUNAY NA NAGPAKITA NG HUSAY DITO SA LIGA NG BUHAY
    SALUDO
    MGA KAMPEON, MGA DAKILANG HINDI SUMUKO, DI NAGPAALILA
    SALUDO
    SA INSPIRASYON, KARAGDAGANG LAKAS
    SALAMAT DUMAAN KAYO SA TAMANG LANDAS
    SALUDO
    KAMI SA INYO AY SALUDO, SALUDO

    Walang balak sumuko, walang planong gumuho
    Tagumpay lang, walang iba binigay nya buong puso
    Hinarap lahat ng tuso, pati mga abuso
    Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso
    Ang buhay positibo, agresibo at mismo
    Kaya pinarangalan syang bayaning pilipino
    Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto inabot nya ang ginto
    Ngayon tahimik na lahat ng kritiko
    Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo
    nag trending, ang daming likes, di na makalimutan
    Front page, headlines, hanggang sa kanto laman ng kwentuhan
    Pagasa'y pinagsaluhan, pero di naubusan, binigay ng lubusan, hanggang sa huling hantungan
    Tagumpay, walang humpay,

    Chorus:

    SALUDO
    SA MGA BIDA NA TUNAY NA NAGPAKITA NG HUSAY DITO SA LIGA NG BUHAY
    SALUDO
    MGA KAMPEON, MGA DAKILANG HINDI SUMUKO, DI NAGPAALILA
    SALUDO
    SA INSPIRASYON, KARAGDAGANG LAKAS
    SALAMAT DUMAAN KAYO SA TAMANG LANDAS
    SALUDO
    KAMI SA INYO AY SALUDO, SALUDO

    Bridge
    Sabi daw walang pagasa pero tinapos
    Sabi daw imposible pero di pa rin natakot
    Sabi nila mahirap pero nag pursige
    Kaya ngayon lahat sila sige lang sige

    Nung lahat umurong sya sumugod
    Nung lahat lumubog sya di nalunod
    Natutong maglakad sa tubig pananampalataya
    Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya

    Paglaki ko gusto ko maging katulad mo
    Maipagmamalaki sa buong mundo
    Ikaw ang dahilan kung bat hindi ako susuko
    Taus pusong pasasalamat, isa kang alamat

    Chorus:

    SALUDO
    SA MGA BIDA NA TUNAY NA NAGPAKITA NG HUSAY DITO SA LIGA NG BUHAY
    SALUDO
    MGA KAMPEON, MGA DAKILANG HINDI SUMUKO, DI NAGPAALILA
    SALUDO
    SA INSPIRASYON, KARAGDAGANG LAKAS
    SALAMAT DUMAAN KAYO SA TAMANG LANDAS
    SALUDO
    KAMI SA INYO AY SALUDO, SALUDO

Howdy, Stranger!

It looks like you're new here. If you want to get involved, click one of these buttons!

Login with Facebook
Copyright © 2014 PinoyRapRadio.com - All Rights Reserved. 
PrivacyPolicy - Terms of Service Created by NetworkSoul PH